TRIBU, BANGON!
Annalie T. Edday
Patuloy na lumalaban ang aming mga pusong nasusugatan
Trabaho, sakripisyo, serbisyo, ay patuloy na pinagyayaman
... Ikakabuti, ikakaunlad ng tribu ay laging isinasaalang-alang
Upang maibangon ang tribong matagal ng napag-iwanan.
Paaraalan, daan, bahay-pagamutan ay di man lang nasilayan
Ng aming mga ninunong pinanganak sa lupang pinabayaan
Kaya hanggang sila ay tumanda at namatay na lamang
Konting kasaganaan ay di man lang natikman.
Kaya sa tribong pinanganak sa bagong henerasyon
Kahirapang dinanas ng ninuno ay maging inspirasyon
Magsumikap ng husto at mangarap ng walang limitasyon
Upang sa gayon, sa problema ng tribu ay maging solusyon.
Maging mapagmatyag, makialam at makibaka
Tradisyong di kanais-nais at di nakakatulong ay isantabi na
Solusyon sa problema ay huwag na huwag ipaubaya
Sa mga mapanghusga at pulitikong mapagsamantala.
Hoy tribu, bangon na! Magkapit-bisig at panahon na
Mapagsupil na kamangmangan at karukhaan ay lipunin na
Matiwasay na pamumuhay, magandang bukas ay mapasaatin na
Dahil ito ang dapat na buhay at bukas ng bawat isa.
*****
Bong salamat Ann Edday!
No comments:
Post a Comment